 |
|
 |
_FROM_ISLAM |
|
| Ang Islam |
- ay katotohanan na naniniwala na ang Mundo na ito kasama ang lahat ng mga nilalaman nito ay mayroong naglikha Siya ang Allah na Nag iisa, walang katambal at siya ay nasa ibabaw ng kanyang mga nilikha, Siya ang nakakaalam sa lahat ng mga bagay, nakikita niya at naririnig ang lahat ng mga ito at siya ang karapatdapat na pag-uukulan ng pagsamba at itakwil ang pagsamba sa iba (diyus-diyusan) bukod pa sa kanya, paniwalaan na tiyak hindi niya nilikha ang mga tao ng walang kadahilanan tunay sila (mga tao) ay nilikha upang sumamba lamang sa Allah I, at sila ay bubuhayin muli sa araw ng paghuhukom at sila ay gagantimpalaan at paparusahan sa kanilang mga nagawa sa mundo na ito.
|
|
|
|
| Ang Islam |
- ay ang paniniwala na katutuhanan na ang Allah I ay may mga anghel na kakaiba sa mga tao hindi natin sila nakikita sila ay nilikha ng Allah mula sa liwanag. Inatasan sila ng Allah ng mga gawain. Kabilang sa kanila si Anghel Jibriel. Sa kanya ipinagkatiwala ang paghatid ng mensahe (revelation) ng Allah I para sa mga piling Propeta.
|
|
|
|
| Ang Islam |
- ay ang paniniwala na katutuhanan ang Allah ay nagpababa ng mga aklat para sa mga Propeta katulad ng Tawrah (Torah), Injiel (Ibanghelyo ni Hesus), Zaboor at ang Qur’an. Ito ay ibinaba kay Propeta Muhammad r at lahat ng mga aklat na ito ay nag-uutos sa pagsamba sa nag-iisang panginoon na walang katambal, at tunay na may nangyari na pagbabago sa mga naunang kasulatan, tulad ng pagdagdag at pagbawas, nabago ito sa mga nakaraang panahon dahil sa gawa ng mga taong kumakalaban sa relihiyon ng Allah (Islam), yaong kinakain nila ay mula sa mga kayamanan ng mga tao kinuha nila sa paraan na hindi maganda. Ang tanging nanatili as orihinal na anyo at kailan man ay hindi nababago ay ang Al-Qur’an na ibinaba ng Allah I kay Propeta Muhammad dahil ito ay isinasaulo sa puso't isipan ng mga Shahabah (kasamahan) ng Propeta at ito ay himala ng Allah I sa mga tao, at nangako ang Allah I na itoy ligtas as anumang pagbabago ng tao. Ito lamang ang tanging natitirang aklat na angkop sa mga naunang aklat at ibinalik dito sa Qur'an ang mga naunang aklat na nawala sa orihenal na anyo, at ito'y punong-puno ng kaalaman tungkol sa seyensiya (science) at kanilang natuklasan sa panahon natin ngayon, at hamon kanila (hindi mananampalatay).
|
|
|
|
| Ang Islam |
- ay ang paniniwala na katutuhanan ang AIIah I ay kanyang nilikha si Adan mula sa alabok. Siya ang unang tao na nilikha ng Allah I at pinagkalooban siya ng mga ankan upang sila ay bigyan ng mga pagsubok, subalit paglipas ng maraming panahon naligaw ang mga tao sa tamang landas dahil sa udyok ni Satanas, sa pamamagitan ng pagsamba sa mga Diyus-diyusan (rebulto), dahil dito nagpadala ang Allah I ng mga Propeta mula sa mga tao upang iparating sa kanila ang mensahe ng Tawheed (pagsamba sa kaisahan ng Allah I), ito ang pagsamba sa nag-iisang panginoon na walang katambal at sundin ang mga turo ng Propeta, iwasan ang pagsamba sa mga Diyus-diyusan. Kabilang sa mga Propeta sina: Noah, Abraham, Moses, Hesus anak ni Maria (suma kanila nawa ang kapayapaan) at ang pinaka huli sa kanilang lahat ay si Propeta Muhammad , kailan man hindi ganap ang pagiging Muslim ng isang alipin hanggang hindi paniwalaan ng pantay-pantay ang lahat ng mga Propeta ng Allah I at mahalin silang lahat ng walang pagtangi-tangi.
|
|
|
|
| Ang Islam |
- ay ang paniniwala na katutuhanan na ang lahat na naganap sa mundong ito ay kagustuhan ng Allah I. Kanya itong naitala bago pa man ito nangyayari, subalit ipinag-utos sa mga tao ang pag-gawa ng mga kadahilan sa pamamagitan ng pagtupad ng mga kautusan at pag-iwas sa mga ipinagbabawal. Siya ang mananagot sa kanyang mga gawain dito sa mundo doon kabilang buhay. Kailangan niyang magsikap at huwag magreklamo sa mga bagay na ipinagkaloob (Al-Qadar) sa kanya ng Panginoon at huwag magdalawang isip ang kanyang paniniwala tungkol dito.
|
|
|
FIRST 1 2 3 4 5 LAST
|
|
 |
Main_Menu |
|
|
 |
|
| |
LANGUAGES |
|
 |
|
|
 |